Pambansang Census 2025
Magsasagawa ng pambansang census ang pamahalaan ng Japan sa petsang Oktubre 1, 2025.
Ang pambansang census ang pinakamahalagang statistical survey na ginagawa isang beses sa 5 taon.
Ginagamit ang resulta ng pambansang census para sa mga polisiya tulad ng paglikha ng bayan kung saan madaling makakapamuhay ang mga dayuhan, at iba pa.
Ang target ng pambansang census ay mga taong nakatira nang 3 buwan o higit pa, o taong nakatakdang tumira nang 3 buwan o higit pa sa Japan, nang walang kinalaman sa nasyonalidad. Mayroong obligasyong sumagot ang mga target, kaya't siguraduhing sagutan ito.
Gagamitin lamang ang nilalaman ng isinagot sa paglikha ng statistical data, at hindi ito gagamitin sa imbestigasyon ng imigrasyon o pulis, o sa iba pang layunin.
Kung tinutukoy naman sa mga sumusunod, makipag-ugnayan sa Contact Center ng Pambansang Census.
- Walang taong nakatira nang 3 buwan o higit pa, o taong nakatakdang tumira nang 3 buwan o higit pa sa Japan sa inyong bahay
- May ibang taong bukod ang kabuhayan na nakatira sa inyong bahay
- May kuwarto kung saan nakabukod ang lugar na matitirahan sa loob ng inyong bahay, at may ibang taong nakatira roon
Paraan ng pagsagot sa pambansang census
Pagsagot online
mula Setyembre 20 (Sabado) hanggang Oktubre 8 (Miyerkules)
Hinihiling namin ang pagsagot online sa census na ito. Kapag dumating ang dokumento para sa census sa inyong bahay, mag-akses sa site para sa pagsagot, at sagutan ang census alinsunod sa gabay sa screen.
Kapag sasagutan ang census, i-scan ang "QR Code para sa Pag-login" na naka-print sa kanang ibaba ng 'Kahilingan sa Pagsagot Online' sa loob ng ipinamahaging 'Sobreng Lalagyan ng mga Dokumento ng Census.'

- Sobreng Lalagyan ng mga
Dokumento ng Census - Kahilingan sa Pagsagot Online
QR Code para sa Pag-login
Kapag nag-akses sa pambansang census online mula sa "QR Code para sa Pag-login," piliin ang wikang gagamitin sa pagsagot mula sa "Language" sa kanang itaas. Maaaring sumagot online gamit ang mga sumusunod na wika.
Wikang Hapon,
Ingles,
Chinese (simplified / traditional),
Koreano,
Vietnamese,
Portuguese,
Spanish
Kung hindi ma-scan ang QR Code gamit ang computer o iba pa, i-click ang "Simulan ang pagsagot" sa ibaba. Kapag magla-login, kailangan ang "Login ID" at "Access Key" na naka-print sa 'Kahilingan sa Pagsagot Online.'
Simulan ang pagsagot (Ingles)- Makakasiguro at ligtas ang impormasyong inyong isinagot dahil protektado ito ng mahigpit na security.
- Kung pagkatapos ninyong sumagot, nagkaroon ng pagbabago sa nilalaman ng inyong sagot tulad ng pagkapanganak o paglipat ng tirahan ng miyembro ng sambahayan, o iba pa hanggang sa Oktubre 1 (Miyerkules), mag-login muli, at iwasto ang sagot. Para sa muling pag-login, kailangan ang "Login ID" at ang "Password" na inyong itinalaga.
- Hindi kailangang isumite ang papel na census form ng sambahayang sumagot online. Huwag sulatan ng kahit ano ang papel na census form, at ibasura ito para hindi ito magamit sa ibang bagay.
Pagsagot sa census form (papel)
mula Oktubre 1 (Miyerkules) hanggang Oktubre 8 (Miyerkules)
Para sa mga taong hindi makakasagot online, sagutan ang papel na census form.
Kung sasagutan ang papel na census form, sanggunian ang 'Salin ng Census Form' at 'Salin ng Pagsulat sa Census Form,' at sulatan ang census form na nasa loob ng ipinamahaging 'Sobreng Lalagyan ng mga Dokumento ng Census.'
Itupi sa tatlo at ipaloob ang sinulatang census form sa 'Sobre para sa Pagsusumite gamit ang Koreo,' at ihulog ito sa pinakamalapit na post box nang hindi dinidikitan ng selyo, hanggang sa Oktubre 8 (Miyerkules).
- Kung mahirap ang pagsusumite gamit ang koreo, makipag-ugnayan sa Contact Center ng Pambansang Census sa ibaba, at pupunta sa inyo ang enumerator para kolektahin ang census form.
- Maaaring sulatan ng hanggang 4 na tao ang 1 papel na census form. Kung 5 tao o higit pa ang magsusulat, makipag-ugnayan sa Contact Center ng Pambansang Census sa ibaba, at bibigyan kayo ng karagdagang census form.

gamit ang Koreo
Hinihiling namin na sagutan hanggang sa Oktubre 8 (Miyerkules)
Kung hindi makumpirma ang sagot hanggang sa Oktubre 8 (Miyerkules),
pupunta sa inyo ang enumerator para paalalahanan kayong sumagot.
Kung may hindi maintindihan sa nilalaman ng isusulat sa pambansang census, o iba pa,
makipag-ugnayan sa Contact Center ng Pambansang Census.
Contact Center ng Pambansang Census
Navi Dial :
0570-02-5901
Kung mula sa IP phone o prepaid cellphone :
03-6628-2258
Panahon ng pagtatatag: hanggang Nobyembre 7 (Biyernes)
Oras ng tanggapan: mula 9:00 am hanggang 9:00 pm
- Sasagot ang operator sa wikang Hapon, ngunit maaaring gawin ang three-way call kung saan mamamagitan ang interpreter.
- Walang bayad ang serbisyong ito, ngunit may bayad para sa pagtawag.
Ang "QR Code" ay nakarehistrong trademark ng DENSO WAVE INCORPORATED.